Labi na 5 yrs nang nakalibing sa mga apartment sa MSC, inilipat

Inilipat ang ilang labi na limang taon nang nakalibing sa mga apartment sa Manila South Cemetery dahil 5 years lamang ang kontrata dito.

Ayon kay Jonathan Garzo, director ng sementeryo, ipinaliwanag naman ito sa mga magpapalibing at sinasabihan din sila kapag matatapos na ang limang taong kontrata.

Read More:  Facebook post triggers shooting scare at Cebu City private school

Kapag inalis na sa apartment maaari nang ilagay aniya sa bone crypt na mas maliit.

Read More:  Former Leyte vice mayor, son found dead; 3 arrested

Punto ni Garzo, kung puro sa apartment ilalagak habambuhay ang katawan ng yumao ay mapupuno naman ang sementeryo.

Samantala, ang kontrata para sa bone crypt ay P2K para sa limang taon at ito’y renewable.