Laban nila Manny Pacquiao at Buakaw Banchamek, all set na sa Abril

Muling tutuntong sa boxing ring ang Filipino boxing legend na si Manny Pacquiao laban sa Muay Thai maestro na si Buakaw Banchamek para sa isang exhibition spectacle sa Abril 20 sa Thailand.

Ayon sa mga organizer, magkakaroon ng badyet na $25 milyon o ₱1.36 bilyon, na tinawag na “The Match of Legend.”

Makakaharap ni Pacquiao si Buakaw sa anim na tatlong minutong round, dalawang minutong break, at sa ilalim ng boxing rules.

Bukod kay Buakaw, pahapyaw ring sinabi ng eight-division champion ang posibleng rematch sa kanyang dating karibal na undefeated boxer na si Floyd Mayweather ngayong taon.