LA Lakers, kauna-unahang kampeon sa In-Season Tournament

Nakuha ng Los Angeles Lakers ang kauna-unahang kampeon sa In-Season Tournament sa Las Vegas.

Nagpakitang gilas sina Anthony Davis at Lebron James laban sa Indiana Pacers sa iskor na 123 – 109.

Ayon kay four-time NBA champion Lebron James, nalalampasan ang mga record pero ang tanging hindi mawawala sa listahan ay ang maging una sa isang bagay.

Nabatid na hindi kasama ang championship game ng In-Season Tournament sa record sa standings ng regular season.

Nakatanggap ng NBA Cup Trophy at tumataginting na kalahating milyong dolyar ang bawat player sa Lakers.

Ang Indiana players naman ay may tig-$200K.