Kulong, half million multa vs ‘bocha’ sellers, isinusulong sa Kamara

Kulong ang ninanais na parusa ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez para sa mga indibidwal, o grupong mapatutunayang nagbebenta ng ‘double dead’ at ‘bocha’, ‘o ‘yung mga karneng may sakit na, ‘o ‘di kaya nama’y patay na.

Inihanin ni Rodriguez ang House Bill No. 7655.

Read More:  88 areas in the country placed under State of Calamity due to typhoons and Habagat

Layon ng panukala na amiyendahan ang Republic Act No. 9296, ‘o ang Meat Inspection Code of the Philippines dahil sa ngayon – masiyado raw mababaw at walang ngipin ang batas.

Sa ilalim kasi ng orihinal na batas – tanging confiscation lamang at administrative fines ang kahaharapin ng mga nasa likod ng pagbebenta ng mga bocha.

Read More:  Romualdez camp denies role in Guteza recantation

Idiniin ng mambabatas na ang pagbebenta ng mga double dead na karne ay isang malaking banta sa kalusugan ng mga makakakain.

Sa oras na maisabatas, ang mga violators ng batas ay mahaharap sa hanggang dalawang taong pagkakaulong; at multang aabot ng hanggang kalahating milyong piso.