Bangkay ng batang itinapon sa ilog ng Olongapo, nakaranas ng matinding hirap bago binawian ng buhay

Inilabas na ng PNP ang resulta ng medico legal sa bangkay ng batang babae na itinapon sa ilog ng Olongapo.

Ito ay pagkaraan ng mahigit isang buwan buhat nang mangyari ang pagtapon sa bangkay na isinilid sa isang travelling bag.

Read More:  Student referred to DSWD after alleged school shooting threat in Escalante City

Base sa resulta ng autopsy, sugat sa ulo at pagkasakal ang dahilan ng kamatayan ng bata at hindi ang unang inakala ng marami na namatay sa sakit ang biktima tsaka itinapon sa ilog ng kaanak ang bangkay.

Read More:  Man found dead wrapped in duct tape in Negros Occidental

Bukod sa blunt head traumatic injury at asphyxia by strangulation ay marami pang sugat, pasa at bali ang katawan ng bata na pinaniniwalaang biktima ng sobrang pagpapahirap.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO