Ibinahagi ng aktres na si Kris Aquino sa Instagram na bagamat proud siya maging isang Aquino ay looking forward na siya na maging isang Sarmiento.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay binanggit ni Aquino sa kaniyang Instagram post ang pangalan ni dating Interior Secretary Mel Sarmiento.
Makikita rin sa post ang clip ni Aquino na kasama si Sarmiento.
Ipinunto ni Kris sa kaniyang post na apat na buwan na ang lumipas mula nang pumanaw ang kaniyang kuya na si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.
Inihayag niya na tila ayaw talaga nito iwanan si “bunso” na walang magbabantay at magaalaga na siguradong mapagkakatiwalaan..
Dagdag ni Kris sa kaniyang post, “To my best friend and the man i said yes to spending the rest of my life with, thank you for as bimb said loving me for me, with no agenda, and for being just an overall good and patient man. It’s unreal how much more calm & peaceful i feel now that you’re here,”
Ipinaliwanag ni Kris na hindi sila magkakakilala ni Sarmiento o magkaka-reconnect kung hindi dahil sa kaniyang kuya na tinawag niyang “matchmaker in heaven.”
