Kris Aquino, kinumpirmang hiwalay na sila ng nobyong si Mark Leviste

KINUMPIRMA ng Queen of All-Media na si Kris Aquino na hiwalay na sila ng kaniyang kasintahan na si Batangas Vice Governor Mark Leviste.

Ayon kay Kris, nakipaghiwalay umano siya kay Leviste bago ito umuwi sa Pilipinas dahil hindi raw uubra sa kanilang dalawa ang long distance relationship dahil umano sakanyang kasalukuyang kondisyon.

Matatandaan na nito lamang Hunyo 16, 2023, nang isinapubliko ni Mark ang kanilang relasyon ni Kris habang sila ay magkasama sa Los, Angeles, California.

Kaugnay nito, tumagal ng ilang linggo ang pagbakasyon sa U.S ni Mark para bisitahin at para na rin magkaroon sila ni Kris ng oras sa isa’t isa ngunit hindi ito naging sapat upang ipagpatuloy nila ang kanilang nasimulang relasyon.

Samantala, nagpasalamat naman si Kris kay Mark dahil sa sandaling panahon ay lubos siyang napasaya nito.###JONADEL GALLEGO, Intern.