HINDI bababa sa 22 katao ang nasawi dahil sa malakas na pag-ulan sa Hilagang India na nagdulot ng landslides at malawakang pagbaha sa lugar.
Isinara din ang mga paaralan sa New Delhi matapos bumuhos ang malakas na ulan sa lungsod at hiniling ng mga awtorirdad na huwag munang lumabas ang mga tao sa kanilang mga tahanan maliban kung kinakailangan.
Samantala sa hilagang estado ng Himachal Pradesh ay naranasan ang flash flood na nagpabagsak sa isang tulay at tinangay ang ilang mga kabahayan na gawa sa ‘light material’.
Gumamit rin ng mga helicopter at rubber rafts ang mga awtoridad upang ma-iligtas ang mga taong na-stranded sa mga kalsada, tulay at kanilang mga tahanan.
Magugunita noong Hunyo 1 sa taong kasalukuyan nagsimula ang tag-ulan sa lungsod ng Delhi, Punjab at Himachal Pradesh na may 112%, 100% at 70% na mas mataas kaysa sa karaniwang pag-ulan.### HARLIN LUMIBAO, Intern