Koronadal City, nananatiling nasa pink zone ng ASF

KORONADAL CITY — NANANATILING nasa pink zone ng African Swine Fever o ASF ang Koronadal City hanggang sa ngayon batay sa pinakahuling datos ng City Veterinary Office.

Maaalala, na noong buwan ng Hulyo ngayong taon, nagtala ng incursion case ng ASF ang dalawang mga barangay sa lungsod na agad namang napigilan.

Read More:  Student dies after lightning strike during hike at Mt. Sayao in Biliran

Dahil sa nasabing incursion case, daan-daang mga baboy ang isinailalim sa culling na nag-iwan ng milyon na pinsala.

Kaugnay nito, nakapagbigay na ng tulong-pinansyal ang City Government ng Koronadal sa nasabing mga hog-raisers.

Read More:  Man shot dead while riding motorcycle in Negros Occidental; Three suspects arrested

Dahil sa kasalukuyang estado ng lungsod, hinihikayat pa rin ang lahat na sumunod sa mga patakaran na ipinatutupad laban sa ASF upang hindi na muling maka-apekto sa lungsod.