Kontrobersyal na confidential funds ng OVP – hindi pa raw ‘grounds for impeachment’ – Lagman

Naniniwala si Albay Representative Edcel Lagman na maaaring walang paglabag sa Saligang Batas ang pagpapalabas ng 125 million pesos na confidential funds para sa Office of the Vice President noong nakaraang taon.

Ayon kay Lagman, bagama’t “invalid” ang release ng pondo mula sa contingent fund ng pangulo kahit walang alokasyon sa ilalim ng 2022 General Appropriations Act ay hindi ito magiging ground for impeachment.

Isa ang culpable violation of the Constitution sa grounds para ma-impeach ang isang mataas na opisyal tulad ng bise-presidente.

Paliwanag ng kongresista, kailangan pang pag-aralan nang mabuti ang isyu ngunit kapag sinabing “culpable” ay itinuturing nang sukdulan ang pananagutan.

Posible aniyang nagkaroon lang ng pagkakamali sa interpretasyon ng mga itinakdang regulasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *