Konstruksiyon ng P10-M na halaga ng konkretong daan, sisimulan na

Sisimulan na ang pagsasagawa ng road concreting sa Barangay Centro 02, San Guillermo, Isabela matapos ang isinagawang groundbreaking ceremony ng LGU at Department of Social Welfare and Development Field Office 02.

Ang nasabing proyekto ay mayroong haba na 840 meters kung saan ito ay maisasakatuparan sa ilalim ng KALAHI-CIDSS ng ahensya na pinondohan ng kabuoang P10, 147, 276.83.

Read More:  Iloilo barangay councilor nabbed in buy-bust, ₱2.24M worth of shabu seized

Sa nasabing pondo ay P5, 307, 900 ang mula sa DSWD habang P4, 839, 376.83 naman ang counterpart ng Local na Pamahalaan ng San Guillermo.

Read More:  Police hunt hit-and-run driver after child injured in Lapu-Lapu City

Inaasahang mabebenipisyuhan ditto ang 755 na pamilya sa nasabing barangay na hindi na mahihirapan pa sa kanilang transportasyon at hindi maayos na daanan.

Ito ay inaasahang matatapos hanggang sa buwang ng Hulyo ngayong taon