Kolektor, patay sa pamamaril ng riding-in-tandem sa Ibaan, Batangas

IBAAN – Dead on the spot ang isang lalaki matapos na pagbabarilin ng riding in tandem sa national road, Brgy. Sabang, Ibaan, Batangas, bandang 8:00 ng umaga kahapon.

Kinilala ang biktima na si Antonio Mindanao Jr., 36-anyos, kolektor ng isang motorcycle company at residente ng Brgy.Poblacion A, Rosario, Batangas.

Read More:  7-meter whale shark found dead along Bacolod City coast

Ayon sa imbestigasyon ng Ibaan Municipal Police Station, sakay umano sa kanyang motorsiklo ang biktima nang binaril ito ng dalawang beses ng suspek na angkas sa motorsiklong walang plate number.

Read More:  Man shot dead while riding motorcycle in Negros Occidental; Three suspects arrested

Nagtamo ng tama sa kanyang likod ang biktima na naging dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Nagpapatuloy ang ginagawang hot pursuit operation ng mga awtoridad laban sa mga suspek ng naturang pamamaril.

Inaalam na rin ang motibo sa nangyaring pamamaslang.