Nanindigan si Senate Minority Leader Koko Pimentel na dapat ay tanging mga security agencies lamang ang mapagbigigyan na magkaroon ng mga intelligence at confidential funds.
Aabot sa 35 mga ahensya at tanggapan ng Gobyerno ang humiling ng kani-kanilang mga confidential at intelligence fund.
Kung susumahin, tinatayang aabot umano sa mahigit P9Billion ang hinihiling ng mga ito para sa naturang pondo.
Ipinagtaka pa ni Pimentel kung bakit ngayon lamang nangyaring humingi ng mga intel fund ang iba’t ibang mga tanggapan gayong hindi naman sila eksperto sa seguridad.
Idiniin ng Minority Leader na tanging ang mga sangay lamang ng Gobyerno na may kinalaman sa national security ang dapat mapagbigyan sa ganitong uri ng pondo.
Ang dapat umanong pagtuunan ng pansin sa ngayon ng mga ahensyang humiling ng intelligence fund ay ang mismong mga programa at mandato nito kagaya na lamang ng pagtugon sa pandemya, pagpapalakas ng food production, at pagsisiguro sa de kalidad na edukasyon ng mga kabataang Pilipino.
Sa kabila nito, ngayong umaga ay na-aprubahan pa rin ang hiling na P8.9Billion 2023 budget ng Office of the President kung saan – P4.5Billion ay confidential and intelligence funds.
#
RELATED STORIES:
