Klase sa lahat ng antas sa Camarines Sur, suspendido ngayong araw dahil sa Shear line

NAGA CITY- Suspendido ang pasok sa lahat ng antas sa Camarines Sur ngayong araw Enero 19, 2023  dahil sa pag-uulan na epekto ng Shear line.

Ito ang nakapalaman sa memorandum ni Gov. Luigi Villafuerte na inilabas kahapon ng hapon.  Ayon sa PAGASA inaasahan ang masungit na panahon ay magdadala pa ng pagbaha ay pagguho ng lupa.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Nitong Enero 18, ilang bayan na na ang unang nagpatupad ng class suspension at ang ilang sa kanila nag resume kahapon , pero muling bumuhos ang matagal at malakas na ulan.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Ayon kay Rommel Batanes ng MDRRM Lagonoy, kaagad nilang ibinaba sa mga barangay at sa school heads ang kautusan kahapon.

Kasabay nito ang abiso sa mga residenteng nasa landslide at flood prone areas.