Klase para sa S.Y. 2021-2022, bubuksan sa Sept. 13- DepEd

Inanunsyo na ng Department of Education ang petsa ng pagsisimula ng klase para sa school year 2021 hanggang 2022.

Sa isang statement, sinabi ng DepEd na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang September 13 mula sa mga opsyon na inirekumenda ni Education Secretary Leonor Briones.

Read More:  PNP renews call for Bato to surrender as deadline ends

Kung matatandaan, imimungkahi rin ng DepEd ang mga petsang August 23,32021, at September 6, 2021.

Nagpapasalamat ang kagawaran kay pangulong Duterte dahil sa suporta nito sa paghahatid ng dekalidad na basic education para sa paparating na school year.

Read More:  PNP forms new tracker teams to arrest Sen. Bato Dela Rosa

Nakatakdang ilabas ng DepEd ang school calendar para sa darating na school year.

Gaya ng nagdaang school year, ipatutupad ang blended learning para sa darating na academic year dahil sa COVID-19 pandemic.