KKDAT “One smile Bikol project” ng PNP Bicol inilunsad

LEGAZPI CITY- Inilunsad ng Police Regional Office 5 ang Kabataan Kontra Droga at Terrorismo ” One Smile Bicol Project” ng Rehiyon sa Misibis bayan ng Bacacay lalawigan ng Albay.

Namigay ang mga kawani ng nasabing ahensya ng hygiene kits tulad ng toothbrush, toothpaste, facemask at sabon sa mga kabataang dumalo.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Kasabay din sa programa ang panunumpa ng mga bagong miyembro ng KKDAT sa rehiyon na pinangunahan ni KKDAT Ambassadress Michele Gumabao.

Layunin ng ” One Smile Bicol Project” na ipaalam sa mga kabataan ang kanilang mga karapatan at paalalahanan na panatilihin ang kalinisan sa katawan.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Ang Kabataan Kontra Droga at Terrorismo ay isang aktibong youth organization ng Philippine National Police na naglalayong turuan ang mga kabataan patungkol sa epekto ng paggamit ng ilegal na droga, pati narin ang epekto ng terorismo.