LEGAZPI CITY- Tumanggap ng Kabuhayan Starter Kits mula sa Department of Labor and Deployment (DOLE) Bicol ang dalawang dating miyembro ng New People’s Army o NPA bilang suporta sa pagsisimula ng kanilang panibagong buhay.
Mula sa lungsod ng Tabaco at Legazpi ang dalawang benipisyaryo ng nasabing programa na kung saan mahigit 50,000 pesos worth of livelihood tools and equipments ang kanilang natanggap sa ilalim ng Kabuhayan Program ng nasabing ahensya.
Ayon kay Albay Provincial Field Office (APFO) Head Cherry B. Mosatalla, malaki ang tulong ng iginiwad ng kanilang ahensya sa dalawang benepisyaryo nito dahil bukod sa dati nilang buhay bilang miyembro ng NPA, ay dati na rin silang mga welders kung kaya’t mayroon na silang kasanayan at kaalaman kung paano ito gagamitin at kung paano ito makatutulong na mapa-unlad ang kanilang kabuhayan.
Dagdag pa rito, taos puso rin ang pasasalamat ng nasabing mga benepisyaryo sapagkat malaki ang maiaambag nito sa kanilang pagbabagong buhay at mapapadali rin umano nito ang kanilang trabaho.
Nilalayon ng DOLE Kabuhayan Program na mas marami pang benepisyaryo ang mabigyan ng livelihood packages upang makapagsumula ng sariling pangkabuhayan.
Kabilang sa mga maaaring recipient ng nabanggit na programa ay ang mga taong nakaranas ng long-term unemployment, mga displaced wage workers, out of school youths, Indigenous Peoples (IPs), parents of child laborers at mga Overseas Filipino Workers (OFW) returnees.