Kawalan ng palikuran at pagdumi kung saan-saan, papatawan ng penalidad

Papatawan ng penalidad ang hindi makakapagcomply sa pagkakaroon ng palikuran bawat bahay at nagdudumi kung saan-saan lamang.

Sa kapapasa pa lamang na Sorsogon Provincial Ordinance No. 32-2023 o An Ordinance Amending Provincial Ordinance No. 10-2014 na patungkol sa pagpapatupad ng Zero Open Defecation o ZOD at pagpapataw ng penalidad sa mga lalabag dito, maliban sa P200 hanggang P500 na multa, obligado rin silang magsagawa ng 8 hanggang 40 oras na community service.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Layunin ng nasabing Ordinansa ay upang maiwasan at makontrol ang pagkalat ng mga sakit tulad ng intestinal parasitism, schistosomiasis at iba pang gastrointestinal infections.

Aabot sa P4M pesos ang inilaan na pondo sa nasabing programa.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Inatasan rin ang mga LGUs at mga barangay na manguna sa pagsagawa ng mga surveillance activities at pagpataw ng penalidad sa mga lalabag nito.

Ang Zero Open Defecation Ordinance ay bahagi ng pagpapatupad ng RA 11223 o ang Universal Health Care Act sa ilalim ng Local Health System Maturity Level.