Kawalan ng kontrata, rason kung bakit hindi pa makapagsuplay ng kuryente ang EDC sa lungsod

Kontrata, ito na lamang umano ang kulang upang makapagsuplay na ng kuryente ang Energy Development Corporation o EDC sa Lungsod ng Sorsogon.

Ayon kay Board Member Ryan Dioneda, sa kanilang naging pag-uusap ng General Manager ng Soreco 2 ay kinumpirma umano nito sa kanya na mayroon nang kasunduan sa pagitan ng kooperatiba at ng EDC kung saan tanging kulang na lamang umano ang kontrata para maisakatuparan na ang nasabing plano.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Dagdag pa nito, batay umano sa napag-usapan ay 3.8 megawatts ang ibibigay na kuryente ng EDC sa Soreco 2 na malaking bagay upang mapababa ang presyo ng kuryente.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Mababatid na ang ideya ng pagpursige sa EDC na magbigay ng kuryente sa lalawigan ay nag-ugat matapos na ito ang pansamantalang pinagkunan ng kuryente ng probinsya makaraang masira ang ilang mga poste at linya ng kuryente dahil sa bagyo.