Kauna-unahang pagtitipon ng National Convergence of Transport Cooperative Leaders isinagawa sa SBFZ

Isinagawa sa Subic Bay Freeport Zone ang kauna-unahang pagtitipon ng National Convergence of Transport Cooperative Leaders.

Ito ay para sa mga talakayan, kolaborasyon, at palitan ng mga magagandang kasanayan ng mga lider ng mga kooperatiba.

Ang dalawang araw na pagtitipon mula June 27-28 ay sa inisyatibo ng Cooperative Development Authority.

Ito’y dinaluhan ng humigit-kumulang limang daang (500) transport cooperative leaders mula sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas.

Nagpasalamat ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa pagtutulungan ng gobyerno at mga stakeholders para na rin sa mas maayos na Sistema ng transportasyon sa bansa.//Jen Bayot

PHOTO: LTFRB Region 3

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *