Kauna-unahang fish feed mill, itatayo sa Aurora

Naka takdang mag patayo ng pasilidad para sa produksyon ng pagkain ng isda sa lalawigan ng Aurora.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR Region 3, popondohan nila katuwang ng Department of Agriculture, at National Fisheries Research and Development Institute o (NFRDI) ang pagpapatayo ng fish feed mill.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Gagamitin sa feed mill ang mga “indegenous at readily available” na materyales gaya ng kangkong, malunggay, ipa at kopra para mapababa ang gastusin ng mga fisherfolk sa pakain.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Itatayo ang pasilidad sa 1,000 ektaryang lupain sa barangay Talabuanan sa bayan ng Baler.

Target ng ahensya na matapos ang konstruksyon ng pasilidad sa darating na Hunyo 2022.