Kauna-unahang Dairy Box, binuksan ng Department of Agriculture sa Zambales

Binuksan sa bayan ng Masinloc, Zambales ang kauna-unahang Dairy-Box ng Philippine Carabao Center at Department of Agriculture.

Ito ay proyekto na Carabao Based Improvement Network para makapagbenta ng produktong galing sa kalabaw gaya ng gatas, pastilyas at iba pa.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Binuksan at pinasinayaan ito ngayon lang kaninang umaga sa Baywalk Area sa Poblacion Masinloc.

Ayon sa DA, ika-27 na ang Dairy-Box ng bayan sa naitayo sa buong Pilipinas.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Ito ay pangangasiwaan ng kooperatiba ng Masinloc Buffalo Farmers Association at Masinloc Farmers Federation.

Kaugnay naman nito ay itatayo na rin sa bayan ng Castillejos sa mga susunod na buwan ang pangalawang dairy-box ng Zambales.//Russell Banawa-BNFM IBA