Kauna-unahang centenarian mula sa EMBO, nakakuha ng P100,000

Natanggap na ng kauna-unahang centenarian mula sa EMBO na si Lola Maura Agripa ang chekeng nagkakahagala ng P100,000.

Ipinagkaloob ito sa kanya ng lokal na pamahalaan ng Taguig City noong September 26, 2023.

Sa kaparehong araw, ipinagdiriwang rin ni Lola Maura ang kanyang 100th birthday, kaya’t double celebration ang naganap.

Ayon sa lungsod, ang incentive ay bahagi ng “Caring City” agenda ng lungsod para sa mga centenarians.

Tiniyak din ni Mayor Lani Cayetano na lahat ng living centenarians ay patuloy na makatatanggap ng regalo taun-taon.

Bukod sa PHP100,000 para sa mga centenarians, nagkakaloob din ang lungsod ng PHP3,000 hanggang PHP10,000 sa mga senior citizens na wala pang 100 years old.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *