Kasunduan sa pagitan ng pribadong pagamutan at LGU Brooke’s Point para sa medical assistance, isinakatuparan

Matagumpay na naisagawa nitong Huwebes ang pagpirma ng Memorandum of Agreement o MOA sa pagitan ng lokal na pamahalaan ng Brookes Point at tatlong pribadong ospital sa bayan ng Brooke’s Point.

Layunin nito na mas palakasin pa umano ang serbisyo publiko ng pamahalaang lokal sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare and Development Office o MSWDO na naglalayong makapagbigay tulong sa mga katutubo at mahihirap na miyembro ng komunidad.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Ang kasunduan sa pagitan ng LGU at mga pribadong hospital ay kinabibilangan ng Leoncio General Hospital, Berachah Hospital at Sagrado General Hospital.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Samantala, inaasahang tatagal hanggang June 2025 ang kasunduan sa tatlong ospital bilang service provider sa mga kwalipikadong benepisyaryo ng MSWDO.