Kasunduan para sa P1M medical assistance sa public hospital sa Isabela, Sinelyuhan na

Sinelyuhan na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela at si Senador Risa Hontiveros ang covenant for health na maglalaan ng medical assistance sa mga pampublikong ospital sa lalawigan.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Kasama sa naturang paglalagda ng kasunduan si Vice Gov. Faustino Dy III bilang kinatawan ng PGI.

Ayon sa senadora, maglalaan siya ng isang milyong piso sa ilalim ng Medical Assistance to Indigent Patients or MAIP Program sa GFNDy Memorial Hospital.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Umaasa rin siyang sa pamamagitan nito ay matutulungan ang mas marami pang mamamayan na hirap sa buhay na nasa malalayong lugar.