Kaso vs. kapitan, tinuloy ni Taytay Mayor Rodriguez matapos ang agawan ng kutsilyo

Tinuluyan ng kasong kriminal ni Taytay Mayor Christian V. Rodriguez si Kapitan Ernesto Temple Martin Jr. ng Barangay Pancol sa Taytay.

Ito ay nakumpirma ng Brigada News FM sa isang reliable source sa munisipyo.

Matatandaan na nag-krus ang landas ng dalawang magkalaban sa pulitika noong gabi ng nakaraang Lunes, Mayo 20, 2024 sa Barangay Pancol sa kasagsagan ng LGU Fun Day/Mayors Night.

Read More:  5-year-old boy dies after falling into pit in Davao City

Ayon sa source, nagulat raw kasi ang alkalde noong gabing iyon na may dalang kutsilyo si Kapitan Martin kaya agad niya itong pinigilan sa pamamagitan ng paghawak nito sa kamay ng punong-barangay dahilan kaya ito nasugatan sa gitnang daliri.

Di umano, pagkuha ng kutsilyo ng alkalde ay “iwinasiwas” pa iyon ni Kapitan Martin kaya nagkasugat si Mayor Christian ngunit hindi na binitawan ng alkalde ang patalim.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Sa gitna ng tensyon, inihayag ng punong ehekutibo na mag-respeto sana si Kapitan habang may programa.

Sabi pa ng source, wala raw alam ang alkalde sa kung ano ang totoong intensyon ng punong barangay sa pagbitbit ng kutsilyo na walang balot o takip sa kasagsagan ng amateur singing contest.

Samantala, habang isinusulat ang balitang ito, tinatawagan ng BRIGADA si Kapitan Martin para sa kanyang panig.