Kaso ng HIV sa So.Cot, tumaas

KORONADAL CITY- TUMAAS ng 2.3% ang kaso ng human immunodeficiency virus o HIV sa lalawigan ng South Cotabato ngayong taon kung ikukumpara sa katulad na panahon noong 2022.
Inihayag ni John Codilla, infectious disase program coordinator ng Integrated Provincial Health Office o IPHO na sa unang semester ng 2023, nakapagtala na ang mga ito ng 166 new infections na kinabibilangan ng 158 na mga lalaki at walong babae.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City


Ang mga ito ay isinasailalim na ngayon sa treatment at management sa HIV Treatment Hub ng lalawigan.
Ayon kay Codilla na ang pagtaas ng kaso ng naturang sakit ay dahil sa pinaigting na case finding at screening, pagpapatupad ng self-testing at dahil sa awareness ng mga mamamayan kaugnay sa HIV.
Pinakamarami sa mga tinamaan ng HIV ay nasa age group na 25 hanggang 35 years old.
Nangunguna sa may mataas na HIV cases ang Koronadal City, Polomolok, Banga, Tupi at Surallah.
Hinihikayat naman ng opisyal ang mga most-at risk population na huwag mahiya o matakot na magtungo sa mga health centers o sa HIV/AIDS Core Team o HACT Clinic para magpa-test.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu