Kaso ng HFMD sa bayan ng Camalig, Albay patuloy ang pagtaas – MHO

Kinumpirma ng Municipal Health Office ng lokal na pamahalaan ng Camalig, Albay na patuloy ang pagtaas ng bilang ng hand, foot and mouth disease (HFMD) sa bayan.

Umaabot na sa 43 ang aktibong kaso sa bayan ang nasabing sakit.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Dahil dito, nagsasagawa ang LGU ng information education campaign o information drive sa mga day care centers, paaralan at barangay upang mapigilan ang pagkahawa ng mga bata sa HFMD.

Hinikayat din ang mga mag-aaral na ugaliin ang pagsuot ng face mask, paghuhugas ng kamay, at paggamit ng alkohol o sanitizer at iba pang mga protocol laban sa sakit.

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Sa ngayon, ang Camalig ay may kabuuang siyamnapu’t limang (95) na kaso ng HFMD.