Binata, sugatan matapos saksakin ng isang laborer sa bayan ng Rapu-rapu Albay; suspek, tumakas

Sugatan ang isang binata matapos itong saksakin sa Purok 4, Sitio Minso, Brgy. San Ramon bayan ng Rapu-Rapu, Albay.

Kinilala ang biktima na si Orly Nemesio Vibal, 31 anyos at residente ng nasabing lugar.

Ayon sa report, bandang 11:40 PM nang makatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Rapu-rapu MPS mula sa barangay captain ng pinangyarihan ng insidente.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Dahil dito, agad na nagtungo ang mga kapulisan upang magsagawa ng follow-up investigation nangyari.

Sa panayam naman sa live-in partner ng biktima, sinabi niya na si alyas “Junior”, 22 anyos na residente rin ng kaparehong lugar ang responsable sa pananaksak.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga tanod at mga otoridad upang madakip ang suspek ngunit tumakas ito patungo sa hindi matukoy na direksyon.

Inihahanda na ngayon ng duty investigator ang mga kinakailangang dokumento para sa kasong isasampa laban sa suspek.