Kaso ng food and waterborne diseases sa Region 2, tumaas

Tumaas ng pitong bahagdan ang naitalang kaso ng food and waterborne diseases sa Lambak ng Cagayan mula Enero hanggang Marso ngayong taon kumpara noong nakaraang taon.

Ipinaliwanag ni Medical Office IV Communicable Disease Cluster head Dr. Janet Ibay na ang probinsya ng Isabela at Quirino ang nakapagtala ng mataas na bilang ng tinatamaan ng naturang sakit.

Ang food and waterborne diseases ay kadalasan naitatala tuwing mainit ang panahon kung saan isa na rito ang pagkakaroon ng acute gastroenteritis dulot ng mga pagkaing madaling mapanis na nagsasanhi ng matinding pagbabawas at pagsusuka.

Pinaalalahanan nito ang publiko na iwasan ang pag-iimbak ng mga pagkain na mabilis mapanis at tiyaking malinis ito bago ihain.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *