Kaso ng dengue sa Ligao City, nananatiling mababa

LEGAZPI CITY – Halos apat na buwan nang zero dengue cases ang lungsod ng Ligao mula noong buwan ng Marso hanggang Hunyo sa taon ito.

Ayon kay City Health Office head Dr. Wynns Samar, napanatili ng lungsod  na mababa ang kaso ng dengue sa kanilang lugar.

Read More:  12 youths hospitalized in Koronadal after eating poisonous tuba-tuba fruit

Batay sa tala ng nasabing opisina, nasa limang kaso palang ang kanilang naire-rehistro sa nasabing sakit, kung saan sa buwan ng Enero ay apat ang naitala ng Dengue, habang isang kaso naman sa buwan ng Pebrero.

Paliwanag ng tanggapan kung bakit hanggang sa ngayon ay mababa pa rin ang mga kaso nito, ito ay dahil sa pagiging aktibo ng mga Barangay Dengue Brigade na nagsasagawa ng search and destroy at dalawang beses na clean up drive sa limampu’t limang barangay sa loob ng isang taon.

Read More:  Man shot dead while riding motorcycle in Negros Occidental; Three suspects arrested

Sinabi ni Samar, halos kakatapos pa lamang ng kanilang unang round ng clean up drive nitong buwan ng Hunyo sa mga barangay.