CAMARINES NORTE- Pumalo na sa 227 ang kabuuang kaso ng Dengue sa lalawigan ng Camarines Norte mula Enero hanggang Nobyemre 11 nitong taon.
Batay ito sa datos ng Provincial Health Office (PHO) na nakalap ng Brigada News FM Daet.
Mas mataas ito sa naitalang kaso noong 2021 na mayroong 154 sa buong taon.
Pinakamataas ang naitala sa Daet na mayroong 66 na sinusundan ng Basud na may 32.
Mataas din ang naitalang kaso ng Dengue sa Jose Panganiban at Mercedes na may tig 28.
Nasa 25 naman ang naitala sa Labo, 13 sa Vinzons, 12 sa Talisay at 10 sa Paracale.
Single digit naman ang naitala sa Sta Elena na may anim, apat sa San Vicente, dalawa sa San Lorenzo Ruiz habang isang kaso lang nag naitala sa Capalonga.
Naitala naman ang pinakaunang kaso ng pagkamatay sa Camarines Norte dahil sa Dengue noong Oktubre.
Ang biktima ay isang 57 anyos na babae mula sa bayan ng San Vicente.
