Kaso ng covid-19 sa Zambales bumaba na sa higit 100

Bumaba na ng husto ang aktibong kaso ng corona virus disease sa lalawigan ng Zambales ngayon.

Base sa kasalukuyang datos ng Provincial Health Office nasa 105 na lamang ang active cases nito.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Makikita rin sa data na mas mataas na ang bilang ng mga nakakarekober kumpara sa mga naitatalang bagong kaso nito sa ngayon.

Umaasa ang PHO na mas bababa pa ito dahil na rin sa tuloy-tuloy na pagbabakuna kung saan marami na sa mga bayan ay nagsasagawa ng mobile vaccination.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Layon nitong mapabilis pa ang roll-out ng vaccination program para tuluyan nang maabot ang herd immunity sa probinsiya.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of text