Kaso ng COVID-19 sa Bicol pumalo na sa mahigit 40k matapos magtala ng mahigit 500 kaso nitong weekend

BICOL—Pumalo na sa 40,420 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol region matapos madagdagan ng 546 na mga bagong kaso nitong weekend.

Sa ulat ng Department of Health (DOH) Bicol, 338 ang bagong kasong naitala nitong Sabado habang 208 naman kahapon, araw ng Linggo.

Bunsod nito, umabot na rin sa 13,642 (33.75%) ang bilang ng aktibong kaso ng sakit sa rehiyon.

Sa huling tala kahapon, 77 ang bagong kaso sa Camarines Sur kung saan 30 nito ay mula sa Naga City, tig-aapat ang Baao, Buhi, Nabua at Tinambac, tigtatatlo ang Bato, Iriga City, Magarao at Milaor, tigdadalawa ang Calabanga, Canaman, Caramoan, Goa at Pili at tig-iisa naman ang mga bayan ng Bombon, Bula, Lagonoy, Libmanan, Pasacao, Tigaon, Sagñay, San Fernando at Sipocot.

54 ang mga bagong kaso sa Catanduanes kung saan 19 nito ay mula sa Virac, 14 sa Caramoran, lima sa Bato, tig-apat ang Bagamanoc at San Miguel, tatlo sa San Andres, dalawa sa Pandan at tig-iisa ang Baras, Panganiban at Viga.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

33 ang mga bagong kaso sa Albay kung saan tig-anim ang Legazpi City at Ligao City, apat sa Daraga, tigtatlo ang Camalig at Tabaco City, tigdadalawa ang Bacacay, Guinobatan, Malilipot at Polangui at tig-iisa naman ang Libon, Oas at Tiwi.

17 ang mga bagong kaso sa Sorsogon kung saan apat nito ay mula sa Sorsogon City, tigtatlo ang Irosin at Pilar, dalawa sa Gubat at tig-iisa ang Barcelona, Bulan, Casiguran, Matnog at Prieto Diaz.

15 ang bagong kaso sa Camarines Norte kung saan apat nito ay mula sa bayan ng Basud, tigtatlo ang Daet at Vinzons, dalawa sa Labo at tig-iisa ang Jose Panganiban, Mercedes at San Vicente.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

12 ang mga bagong kaso sa Masbate kung saan tig-apat ang Mandaon at Milagros, dalawa sa Esperanza at tig-iisa ang Cataingan at Masbate City.

Samantala, pumalo na sa 25,591 (63.31%) ang total recoveries matapos magtala ng 171 na mga bagong gumaling kung saan 59 nito ay mula sa Sorsogon, 33 sa Catanduanes, tig-20 ang Camarines Norte, Masbate at Naga City at 19 sa Camarines Sur.

Pumalo na rin sa 1,187 (2.94%) ang death toll matapos magtala ng pitong bagong nasawi kung saan apat nito ay mula sa Camarines Sur, dalawa sa Sorsogon at isa sa Naga City.

Kaugny nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa mga Bicolano na sundina ng BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.### || slm