Catholic reform na inilunsad ni Pope Francis, ambitious attempt?

Tinawag na “ambitious attempt” ng ilan ang inilunsad ni Pope Francis na Catholic reform.

Kaugnay nito ay sinimulan na ang 2-year process ng pagkonsulta sa lahat ng Catholic church sa buong mundo para sa magiging direksyon ng simbahan.

Hinimok ni Pope Francis na hindi dapat magpapigil ang lahat sa mga nangyayari ngayon at sa halip ay dapat matutunan ang makinig sa bawat isa.

Naniniwala naman ang ilang Katoliko na magbubunga ito ng pagbabago sa ilang issues tulad ng “women’s ordination” mga kasal na pari at same-sex relationship.

Samantala, nababahala naman ang ilan sa negatibong epekto nito sa simbahan.

Ayon sa ilang kritiko, ang pagtutol sa reporma ay posibleng makaagaw ng atensyon sa mga hinaharap na isyu ng simbahan tulad ng korapsyon at pagbaba ng bilang ng mga nagsisimba.