Kaso ng COVID-19 positive sa Koronadal muli na namang umakyat sa halos 40%

KORONADAL CITY – IKINABAHALA na naman sa ngayon ng City Health Office ng Koronadal ang pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibong indibidwal sa COVID-19.

Ito ay matapos na kinumpirma ni City Health officer Dr. Edito Vego na nasa 40% sa ngayon ang positivity rate ng COVID-19 cases sa lungsod. Napag-alamang unti-unti na sanang bumaba ang kaso mula August 10-16 na naglalaro lamang sa 176-199 na aktibong kaso, umabot na sa 222-265 na aktibong kaso mula August 17-22 ngayong taon.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Dahil dito patuloy pa ring sinisikap ng nasabing tanggapan na mapababa ang kaso ng COVID-19 sa pamamagitan ng kanilang mas pinatatag pa na kampanya sa pagsunod sa minimum public health standards at pagpapabakuna.
Sa ngayon mayroon pang 133 na Pending RT-PCR result na hinihintay ang city government.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation