Kasalukuyang Award System ng DepEd, suportado ng ACT-Teachers party-list

Suportado ng Alliance of Concerned Teachers o ACT-Teachers party-list ang kasalukuyang award system ng Department of Education (DepEd) kung saan wala ng titulong na Validectorian, Salutatorian at Top. 10.

Sa panayam ng Brigada NewsFM kay ACT Teachers party-list Rep. France Castro, sinabi nito na wala silang nakikitang problema sa award na ibinibigay ng DepEd tuwing graduation at moving up ceremonies kung saan ikinatutuwa pa nga ito ng mga magulang dahil mas marami na ang nabibigyan ng award.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Ayon kay Castro, nakabubuti rin sa karamihang estudyante at magulang ang memorandum na inilabas noong 2016 dahil pitong taon ng walang pressure sa magulang at mag-aaral na siyang pangunahin layunin naman ng kagawaran ng Edukasyon sa pagpapatupad nito.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Kung maalala sa isang interview naman ng Brigada kay TDC, Chair Benjo Basas sinabi nito na hati ang opinion ng kanilang grupo sa usapin at nais na muling maibalik ang mga special awards na nagre-recognized sa mga estudyante na nag-excel sa sports, leadership, journalism at iba ang extracurricular activity. AICA CONSTANTINO | (AP Photo/Aaron Favila)
#