Kasalan ng Bayan, isasagawa sa Koronadal

KORONADAL CITY — NASA 20 na sa ngayon na mga magsing-irog o couples ang nakag-patala para sa isasagawang ‘Kasalan ng Bayan’ sa Koronadal.

Ito ang inihayag ni Perla Quidilla, city civil registrar ng Koronadal sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kung saan patuloy pa na tumatanggap ng aplikante ang naturang opisina.

Ayon kay Quidilla, ang naturang mga couple ay nagmula sa mga barangay ng Cacub, Topland at Mabini.
Inihayag ng opisyal, na bahagi ito ng ika-22nd Charter Anniversary ng Koronadal kung saan target ng kanilang opisina ang 50 couple para sa nasabing kasalan.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Handa din umano nilang tanggapin kung hihigit sa 50 couple ang magpapatala sa ilalim ng ilang kondisyon.

Dahil dito, humihiling ang opisyal na madaliin na ang deadline ngayong buwan dahil sasailalim pa sa 10-days posting at kukuha pa ang mga ikakasal ng CENOMAR.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Ito’y upang hindi umano maantala ang araw ng mismong kasal sa Oktubre 8 sa Rizal Park ng lungsod.

Nilinaw din nito na bukas lamang ang ‘Kasalan ng Bayan’ sa mga taga Koronadal City.