Ilang mga estudyante ng KNCHS, nag-positibo sa Covid-19

KORONADAL CITY — NAG-POSITIBO sa Covid 19 ang ilan sa mga mag-aaral mula sa tatlong section ng Koronadal National Comprehensive High School o KNCHS.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay Valentin Dignadice, principal 1 ng KNCHS, sinabi nito na balik-online modality o distance learning muna ang mga estudyanteng apektado ng Covid-19.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Nilinaw ng opisyal na tuloy naman ang regular na klase ng iba pang mga estudyante sa ibang mga classrooms na hindi apektado ng virus.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Wala naman umanong dapat ikabahala ang mga magulang dahil na-contain na ang apektadong silid-aralan at nakapag-sagawa na rin ng disinfection ang City Health Office.
Nananawagan naman ito ng kooperasyon at pag-unawa sa mga magulang.