Karpintero na may kasong 10 counts sa paglabag anti-child abuse law, arestado!

Arestado ang isang karpintero na kinilalang si Emeterio P. Franada, 50 anyos at residente ng Tagbarungis, Barangay Inagawan- Sub, Puerto Princesa City ganap na 3:34 ng hapon nitong Huwebes, July 28, 2022.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Dinakip ito sa Barangay San Jose, Roxas, Palawan sa bisa ng arrest warrant dahil sa kasong paglabag sa Anti-Child Abuse Law (RA 7610) (10 counts) ni Hon. Jugde Arlene Bayuga Guillen ng Family Court, 4th Judicial Region branch 13 sa Puerto Princesa City Palawan at may inirerekomendang piyansa sa halagang ₱120,000.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Si Franada ay inaresto ng pinagsanib na pwersa ng Roxas PNP, 2nd PMFC at PPO PIU.