Karamihan sa mga Camnortenio hindi pabor sa rekomendasyong isailalim sa Mandatory Home Quarantine ang mga uuwi ng Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Umani ng komento mula sa mga Netizen sa Camarines Norte ang rekomendasyon ng mga Alkalde sa Provincial IMT na mandatory home quarantine para sa mga uuwi sa lalawigan ng Camarines Norte kahit mayroong negatibong resulta ng Antigen test.

Sa Brigada Engkuwentro ng Banat Brigada, karamihan sa mga nagbigay ng kanilang komento ay hindi sumangayon sa naturang ideya.

Ilan sa mga ito ay nagsabing malaking kaabalahan sa kanila ang rekomendasyong 14 days quarantine lalo na at darating ang kapaskuhan kung saan paano naman ang mga uuwi ng madalian lamang upang makapiling ang kanilang pamilya

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Ilan din ang nagsabing mawawalan ng silbi ang ginagawang antigen testing sa border checkpoint kayat kung maipapatupad ito ay dapat na itong tanggalin dahilan sa magnegatibo man ang resulta ay kailangan pa ring isailalim sa quarantine.

Suhestyon naman ng ilan ay pabilisin na ang bakuna dahil ito ang solusyon upang malabanan ang virus

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Sa Camarines Norte, ang mga bayang tulad ng Vinzons, San Vicente at San Lorenzo Ruiz ay dati nang nagpapatupad ng ganitong polisiya kung saan  ang mga hindi pa bakunado ay oobligahing sumailalim sa 14- day home quarantine habang ang mga nabakunahan na ay 7 araw lang.