Karagdagang suplay ng PPE natanggap ng CNPH

CAMARINES NORTE- Nakatanggap ng karagdagang suplay ng Personal protective equipment (PPEs) ang Camarines Norte Provincial Hospital nitong Miyerkules.

Ayon kay acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco ang dumating na karagdagang suplay ng mga PPEs ay binili ng Provincial Government.

Gagamitin ito ng mga “COVID warriors” o yaung mga frontliners na pangunahing nag aasikaso sa mga COVID patients para sa kanilang proteksyon.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Ang mga bagong dating na suplay ng PPEs ay N95 mask, PPE coverall, surgical gown, shoe cover, OR cap, alchohol at  disinfectant spray.

Ayon sa pamunuan ng ospital patuloy nitong sinisikap na mapanatili ang sapat na suplay ng mga PPEs sa tulong ng Pamahalaang Panlalawigan.

Ito ay upang maiwasang mahawa ng sakit ang mga nasa frontline service na lubhang kinakailangan ang serbisyo lalo’t mataas ang banta ng pagkakasakit.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Nauna na ring inihayag ng PHO na sa 6, 430 katao na kabilang sa A1 o ang workers in Frontline Health Services ay nasa 5, 882 na ang nabakunahan o 91.8 % coverage.