Karagdagang 822 indibidwal nabakunahan kontra COVID- 19  sa Camarines Norte noong nakaraang linggo

CAMARINES NORTE- Aabot sa 822 indibidwal sa lalawigan ng Camarines Norte ang karagdagang nabakunahan kontra COVID- 19 noong nakaraang lingo.

Batay ito sa datos ng Provincial Covid- 19 vaccination operation center hanggang noong Biyernes, Pebrero 10 ng taong kasalukuyan.

Pinakamataas ang accomplishment ng pagbabakuna sa Mercedes na may 439 na sinusundan ng Sta Elena na may 109.

Read More:  CAFGU member killed, two soldiers wounded in clash with NPA group in Negros Occidental

Ang Sta Elena ay naghahabol dahil ito ang ikalawa sa may pinakamababang porsiento ng nabakunahan kontra COVID- 19 sa labing dalawang bayan.

Nakapagbakuna na naman ng  89 indibidwal ang Daet, 70 sa Labo, 39 sa Basud, 31 sa Paracale, 12 sa Vinzons, 9 sa San Lorenzo Ruiz, 8 sa Talisay, 6 sa San Vicente at may kapwa may 5 sa Capalonga at Jose Panganiban.

Read More:  244 foreigners arrested in Zamboanga Sibugay POGO raids

Pinakamaraming naiulat na nabakunahan noong Lunes, Pebrero 6 na may 232, habang 221 naman noong Miyerkules, 209 noong Martes at 160 noong Huwebes.

Patuloy pa rin ang panghihikayat ng gobyerno sa mga hindi pa bakunado na magpabakuna na at magpa booster.

Kapansin- pansin kasi na marami ang ayaw ng magpabakuna ng booster habang mayroon din naming hindi pa kumpleto anhg primary series.