Kapulisan nakaalalay sa inaasahang dagsa ng mga kukuha ng Educational Assistance ngayong araw sa Camarines Sur

NAGA CITY- Inaasahan pa rin ng kapulisan at ng Department of Social Welfare and Development Office ang pagdagsa ng mga nais makakuha ng ayuda sa ilalim ng Assistance to individuals in crisis situations (AICS) program ng naturang ahensya.

Kaya naman sa ikatlong sabado ng pamimigay ng educational assistance, nakaantabay ang Philippine National Police para sa seguridad at crowd control.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PLt. Anthony Bueza ng San Fernando Municipal Police Station , sinabi nitong makakatuwang sila upang mapanatili ang health protocols gayundin sa pag sasaayos ng mga linya, nakaantabay din para sa emergency situations.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Ang mga nakatanggap ng mensahe mula sa DSWD lamang ang dapat na pumunta ngayong Sabado na mga residente ng Gainza, Libmanan, Milaor, Minalabac, Pamplona, San Fernando at Pasacao sa Municipal Covered Court. 1,500 ang target beneficiaries ng DSWD sa lalawigan.