DOH pinaalalahan ang publiko na maging critical sa pag-intindi sa vaccine data

Hiniling ng Department of Health sa publiko na ipatupad ang matinding pag-intindi sa mga binabasang datos, kasunod ng ulat ng umano’y COVID-19 vaccine-related deaths.

Ang babala ni Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire ay kasunod ng claims ni Public Attorney’s Office forensic chief Erwin Erfe, na nakakaranas ang bansa ng mataas na “excess deaths” simula nang ilunsad ang vaccine program para sa COVID-19.

Read More:  Transport groups seek ₱2 fare increase, warn of nationwide strike

Batay sa ulat na nailathala sa kanilang website,  sinabi ng Food and Drug Administration (FDA), na regulatory agency sa ilalim ng DOH na mayroong 2,620 “fatal events” as of August 6, 2022.

Nabanggit rin ng FDA sa kanilang report na mula sa 159,376,952 total doses administered, tanging 105,897 o 0.07 percent ng suspected adverse effects ang napaulat, habang tanging 9,426 o 0.006 percent ng suspected severe adverse reactions ang naitala.

Read More:  VP Sara defense awaits senate ruling on subpoena request

Giit naman ni Erfe, na ang kabuoang bilang ng fatalities na nakakuha ng bakuna ay “underreported.”

Pero saad ni Vergeire, na ang napaulat na mga nasawi matapos makatanggap ng COVID-19 vaccines ay hindi nangangahulugan na ang bakuna ang dahilan ang kanilang pagkamatay.