Kapitan nangako na hindi na tatapyasan ang ayuda

Nangako ang isang kapitan sa Matanao, Davao del Sur na hindi na niya tatapyasan ang dadating na ayudad para sa kanyang mga sakop.

Sa interview ng Brigada Davao aminado si Kapitan Carloman Villostas ng Barangay Langa-an sa nasabing lungsod na hinahati nila ang tinatanggap na ayudad para sana sa mga beneficiaries.

Paglilinaw ni Villostas na intensiyon lamang umano nito na tulungan ang iba pa niyang sinasakupan na mabigyan din ng salapi mula sa ayuda.

Aminado naman ang kapitan na hinahati nila ang ayuda para umano sa simbahan, mga tanod, at para sa darating na Christmas party.

Sa hiwalay na interview ng Brigada sa ilang beneficiary sa nasabing barangay na nakatanggap umano sila ng P10,000 ngunit kelangan pa nila itong ibigay sa barangay secretary para doon na ito tatapyasan.

Paliwanag ng ibang beneficiary na pati na ang kanilang sweldo na natanggap mula sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced o Tupad ng DOLE ay kelangan din hatiin para sa barangay matapos nilang pagtrabahuan ng 10 na araw.

Matatandaan na una nang bumisita si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Davao del Sur dala ang ayuda para sa mga mangingisda at magsasaka na apektado ng nakaraang El NiƱo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *