Ex-Kapitan sa Tinambac, Camarines Sur, pinagbabaril patay!

CAMARINES SUR- Patay ang dating Punong Barangay ng Mananao Tinambac Camarines Sur na si Rey Alain Brugada habang sugatan ang ginang na kasama nito nang tambangan ang kanilang sasakyan ng hindi pa nakikilalang salarin sa parte ng Zone 7 Barangay Bagacay, pasado alas- 5 ng hapon, June 10.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni PMAJ Inar Vic Florece, hepe ng Tinambac PNP, galing sa Tinambac si Brugada patungo sa direksyon ng Naga City nang mangyari ang krimen. Patay ang dating kapitan na dating miyembro ng Philippine Army habang nagpapagaling pa sa ospital ang kasama nito na nagtatrabaho sa Public Safety Office ng Tinambac.

Walang nakakita sa pamamaril pero narinig ng mga residente ng putok. Hindi nakita ang getaway vehicle o sinakyan ng suspek o mga suspek. Nag rereview ngayon ng mga kuha ng CCTV malapit sa lugar.

Inaalam pa ang motibo sa krimen at nagsagawa ng hot pursuit operation ang pulisya para sa posibleng pagkakadakip sa responsable sa pagpaslang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *