Kap. Baloy ng Barretto, Olongapo nagbabala tungkol sa umanoy “Gagamba” modus

Nagbabala si Kap. Gie Baloy ng Brgy. Barretto, Olongapo City sa publiko tungkol sa umanoy “Gagamba Modus”.

Ito ay matapos na mabiktima ang dalawang residente nito na pawang mga senior citizen nakalipas na Lunes at Martes habang sakay ng jeep.

Kahapon umano, nagreport ang isang biktima sa kapitan matapos madukot ang wallet nito na naglalaman ng 500-dollars, cash na 20,000 at iba pang cards.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Base sa nakuhang impormasyon ni Kap. Baloy, modus ng mga indibidwal na suspek na kunwari ay may itinuturo sa bibiktimahin na gagamba sa damit nito o sa anumang parte ng katawan at kapag na-distract na ang biktima ay saka dudukutan.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Matatandaan na nakaraang taon ay may kapareho na ring insidente nito ang napaulat sa lungsod.

Paalala ng Punong Barangay sa publiko, maging maingat lalo na sa mga dalang kagamitan at iwasan na ring makipag-usap sa hindi kilala.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO