Kampo ni suspended Mayor Guo – aapela sa CA matapos ibasura ang hiling laban sa 6-month suspension

Ilalapit na raw ng kampo ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ang apela nilang i-lift na ang six-month preventive suspension sa alkalde sa Court of Appeals.

Ito ay matapos ibasura ng Office of the Ombudsman (OMB) ang bid ng mga ito kaugnay ang naturang suspensyon.

Read More:  Four Philippine Air Force pilots killed as two SF-260 aircraft crash

Ayon kay Atty. Stephen David, legal counsel ni Guo, bagaman iginagalang nila ang desisyon ng Ombudsman, iaakyat na nila ang kanilang appeal sa CA para mapag-aralan nang mabuti kung tama ba ang naturang desisyon ng OMB.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Matatandaang sinuspinde ng Ombudsman ang alkalde at ang 2 iba pang mga lokal na opisyal sa gitna ng imbestigasyon sa umano’y koneksyon ni Guo sa ni-raid na POGO hub sa kanyang bayan.