Pinag-iisipan ng kampo ni Rhenz Abando na magsampa ng kaso laban kay Chinanu Onuaku at sa kanyang mga aksyon na nagresulta sa injury ng Filipino basketball star.
Ito’y matapos tugunan ng Korean Basketball League ang nangyaring insidente, sa pamamagitan ng pagmumulta Onuaku ng 3 million won.
Bagama’t humingi na ang tawad ang mga opisyal ng Goyang Sono sa Anyang Jung Kwan Jang Red Booster, ngunit wala pa ring komunikasyon sa pagitan nila Abando at Onuaku.
Dumanas ng masamang pagkahulog si Abando at na-diagnose sa multiple injuries matapos ang nasabing laro.
